Bagong lahi ng sardinas, natagpuan sa Manila Bay

Bagong lahi ng sardinas, natagpuan sa Manila Bay

March 26, 2019 @ 9:19 AM 3 years ago


Manila, Philippines – Isang bagong lahi ng sardinas ang nadiskubre sa Manila Bay at iba pang parte ng bansa.

Ayon sa artikulo nina Japanese taxonomists Harutaka Hata at Hiroyuki Motomura, ang bagong lahi ng sardinas ay tinatawag na Sardinella pacifica at maaari lang matagpuan sa Pilipinas, partikular na sa Quezon, Sorsogon, Samar at sa Manila Bay.

Ang bagong lahi ng sardinas ay may kahawig sa Sardinella fimbriata.

“During a revisionary study of Sardinella, 21 specimens of a clupeid fish from the Philippines were found to be characterized by a unique combination of scales with centrally discontinuous striae, a dark spot on the dorsal-fin origin, and low counts of lateral scales in the longtitudinal and pseudobranchial filaments. They are described herein as a new species of Sardinella,” sabi sa journal article.

Dahil sa pagkakadiskubre ng bagong lahi ng sardinas, tinawag ng advocacy group Oceana ang pansin ng gobyerno upang itigil ang reklamasyon sa Manila Bay upang maprotektahan ang marine life sa lugar.

“We appeal to President Rodrigo Duterte to stop all reclamation projects lined up in Manila Bay,” ani Gloria Estenzo Ramos, vice president ng Oceana Philippines, sa isang  statement na ipinadala sa News5.

“This can be the legacy of your administration—that you were able to save the rich ecosystem of Manila Bay that carries national and cultural heritage significance, especially with the discovery of this new sardine species in Philippine waters,” dagdag pa niya./Remate News Team