Bagong lider ng Sri Lanka nahalal na

Bagong lider ng Sri Lanka nahalal na

July 21, 2022 @ 10:45 AM 4 weeks ago


SRI LANKA – Nahalal bilang bagong binuno ng bansa ang anim na beses na punong ministro na si Ranil Wickremesinghe matapos ang pagtakas ng dating pinuno ng bansa bunsod ng pagsugod ng mga yamot na raliyista bunsod ng malalang krisis sa ekonomiya.

Nakakuha si Wickremesinghe ng 134 na boto sa isang three-cornered parliamentary vote, kung saan ang kanyang pangunahing kalaban na si Dullas Alahapperuma ay nakakuha ng 82 at ang makakaliwang si Anura Dissanayake ay tatlo lamang.

“Our divisions are now over,” ani Wickremesinghe sa brief acceptance speech sa parliament, habang hinihimok nito si Alahapperuma “to join me and work together to bring the country out of the crisis we are facing.”

Ang partido ng Sri Lanka Podujana Peramuna (SLPP) ng tumakas na dating lider ng bansa na si Gotabaya Rajapaksa, ang pinakamalaki sa parlyamento, ay sumuporta kay Wickremesinghe para sa pagkapangulo.

Unang iniatas ni Wickremesinghe ang pagpapalawig ng state of emergency sa bansa na nagbibigay ng kapangyarihan sa pulisya at mga pwersang panseguridad na tugunan ang mga demonstrador.

Inaasahang pangalanan ni Wickremesinghe ang ministro ng pampublikong administrasyon na si Dinesh Gunawardena, 73, ang kanyang kaeskuwela at isang malakas na loyalista ng Rajapaksa, bilang bagong punong ministro.

Sa labas ng presidential secretariat, kung saan nagkampo ang mga nagpoprotesta nang ilang buwan upang hilingin na bumaba si Rajapaksa sa pwesto, sinabi ng civil engineer na si Nuzly Hameem na “nadismaya” siya sa resulta.

“Inaasahan namin ang higit pa mula sa aming mga parliamentarians,” sinabi niya sa AFP.

The protests would “obviously” continue,” babala niya. RNT