Bagong likhang DMW hindi pa “fully constituted”

Bagong likhang DMW hindi pa “fully constituted”

April 24, 2022 @ 11:31 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa “fully constituted” ang bagong likhang Department of Migrant Workers (DMW).

Ito ay sa gitna ng mga katanungan kung paano maa-absorb ang ilang mga tanggapan sa ilalim ng iba’t ibang ahensya sa ilalim ng bagong ahensyang naatasang protektahan ang mga overseas Filipino workers (OFW).

“Under Section 23 of the law, maliwanag na the Department of Migrant Workers will be fully constituted only after or when there is already an implementing rules and regulations, mayroong budget at mayroong staffing pattern,” sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang briefing.

“Hanggang hindi naku-comply iyong tatlo na iyan, iyong DMW is still in a transition period. Hindi pa fully operational,” giit niya.

Sinabi ng POEA na ngayong linggo ay maglalabas ng staffing pattern sa Hunyo 3.

Gagawin din nito ang badyet ng bagong ahensya na isasama sa paggasta ng gobyerno sa 2023.

Samantala, nilinaw naman ni Bello na ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs, Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration, International Labor Affairs Bureau, at ang National Reintegration Center for OFWs ay patuloy pa rin sa operasyon sa loob ng kani-kanilang ahensya.

“They are operating under their respective department. Hindi pa sila makakapagtrabaho under DMW, kasi DMW is not yet fully constituted,” anang kalihim. Jocelyn Tabangcura-Domenden