Manila, Philippines – Palalakasin ng bagong low-pressure area (LPA) na natagpuan sa Batangas ang southwest monsoon or habagat, ayon sa PAGASA.
Sa inilabas na bulletin alas-5 ng umaga, sinabi ng ahensiya na huling namataan ang LPA sa 60 kilometers kanluran ng Ambulong, Batangas.
Samantala, inulat naman na ang bagyong may interational name na Jongdari ay nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ito dakong alas-3 ng umaga sa Layong 2,020 kilometers dulong bahagi ng hilagang Luzon.
Nag-abiso naman ang PAGASA na ang habagat ay patuloy na magbibigay ng panaka-nakang pag-ulan sa Palawan, Mindoro, at Western Visayas.
Magkakaroon din ng maulap na kalangitan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may kalat-kalat na pag-ulan. (Remate News Team)