Bagong luxury car, ibinida ni Vice Ganda!

Bagong luxury car, ibinida ni Vice Ganda!

February 1, 2022 @ 9:14 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Mapa-personal man o materyal na aspeto ng buhay, no doubt, Vice Ganda has nothing more to ask.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na patuloy na namamayagpag ang kanyang career.

His persona life, too, is going great guns.

And just recently, isa na namang biyaya ang dumating sa Unkaboggable Star: another luxury car.

In his latest vlog, ipinasilip niya ang kanyang brand-new black Cadillac Escalade.

Kung tutuusin, kailan lang ito nai-deliver sa kanya gayong noong August last year pa niya ito hinihintay.

Why the purchase of another car ay dahil dispalinghado na pala ang iba niyang sasakyan.

‘Yung isa ay may diperensya sa brakes, ‘yung isa naman ay may problema sa aircon, at ‘yung isa pa’y nagluluko na rin.

Vice Ganda fondly addresses his brandnew car as “ES” na ang ibig sabihin ay Everybody Sing.

Ang pinambili niya kasi nito’y katas ng kinita niya sa nasabing community singing show sa ABS-CBN.

With all the blessings coming his way, dapat ito ipagpasalamat ni Vice Ganda kesa pumatol sa mga puna nina Lolit Solis at Cristy Fermin. Ronnie Carrasco III