Bagong mamumuno sa maximum security ng Bibilid, pinangalanan ng BuCor

Bagong mamumuno sa maximum security ng Bibilid, pinangalanan ng BuCor

January 31, 2022 @ 7:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagtalaga na ng bagong acting superintendent ang Bureau of Corrections sa maximum security compound (MaxSeCom) ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

kasunod ito ng nangyaring riot at pagtakas ng apat na preso sa nasabing piitan noong Enero 2 at Enero 17 base sa pagkakasunod.

Kinilala naman ang bagong acting superintendent ng MaxSeCom na si C/Supt. Jayferson G. Bon-as sa bisa ng special order na iniatas ni BuCor Acting Director for Administration CT/CSupt. John Paul O. Santos.

Pinalita ni Bon-as si C/Supt. Roy Villasi matapos na masibak sa pwesto si superintendent CSupt. Arnold Guzman bunsod ng pagpuga ng apat na preso.

Bago ang kanyang designasyon sa pwesto naging head siya ng firefighter unit ng BuCor at acting superintendent ng Sablayan Prison and Penal Farm sa Palawan

β€œAs Acting Superintendent of SPPF, he was able to upgrade its physical facilities including the SPPF Water System, the Old Administrative Building, the Siburan Training Camp, and others,” ayon sa BuCor.

Matatandaan na tatlo ang nasawi sa nangyaring riot noong Enero 2, habang sugatan ang 14 pang inmates.

Habang sa apat na pumuga, dalawa na ang nasawi habang dalawa pa ang tinutugis. RNT