Bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, chairman ng Commission on Filipinos Overseas nanumpa na

Bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, chairman ng Commission on Filipinos Overseas nanumpa na

January 30, 2023 @ 6:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng kontrobersiyal na cash-for hire scam at para patunayan na lehitimo ang mga napipiling opisyal ng gobyerno ay pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, ngayong araw ng Lunes, Enero 30.

Ang mga bagong appointees sa Marawi Compensation Board ay sina Dalomabi Lao Bula, Mustapha C.Dimaampao, Moslemen T. Macarambon Sr., Nasser Macapado Tabao, Mabandes Sumndad Diron Jr.,  Jamaica Lamping Dimaporo, Sittie Aliyyah Lomondot Adiong at Romaisa Lomantong Mamutuk.

Ang mga ito ay pawang mga naitalagang miyembro ng nasabing Board.

Makikita naman sa larawan na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) sa media  na kasama ng mga bagong miyembro ng Board si ES Bersamin at SEnador Robnhood Padilla.

Samantala, nauna namang nanumpa rin sa kanyang tungkulin sa harap ni ES Bersamin si Romulo Victoria Arugay bilang chairman ng Commission on Filipinos Overseas.

Nanumpa si Arugay sa kanyang tungkulin noong Enero 24, 2023. Kris Jose