Bagong NegOr gov iprinoklama ng Comelec

Bagong NegOr gov iprinoklama ng Comelec

October 4, 2022 @ 9:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ipinroklama na ng special board of canvassers si Roel Degamo bilang duly-elected governor ng Negros Oriental sa Commission on Elections (Comelec) central office sa Manila nitong Lunes matapos mailipat at mabilang ang mga boto ng isang nuisance candidate sa kanya.

Ang proklamasyon ay matapos palitan sa puwesto ang pinroklamang nagwagi na si Pryde Henry Teves.

Matapos ang final recount, nakakuha si Degamo ng 331,726 na boto, kabilang ang mga inilipat mula kay Ruel Degamo, habang si Teves ay may 301,319.

Nakakuha ang reelectionist na gobernador ng 281,773 boto noong Mayo 9 na botohan.

Noong Setyembre 27, nagpasya ang Comelec en banc na isa pang kandidato sa pagka gobernador, si Grego Gaudia, na ang pangalan ay lumabas sa opisyal na balota bilang Ruel Degamo, ay isang nuisance candidate.

Pinawalang-bisa rin ng Comelec ang proklamasyon ni Teves.

Isang Certificate of Canvass of Votes at Proclamation of Winning Candidate ang ibinigay kay Degamo, na kasama ng kanyang asawang si Mayor Janice Degamo ng Pamplona, ​​Negros Oriental, at iba pang alkalde.

Si Teves, na nanguna sa flag-raising rites noong Lunes ng umaga na dinaluhan ng mga opisyal at empleyado ng kapitolyo, ay hindi nagkomento sa usapin.

Naghain na umano ang kampo ni Teves ng temporary restraining order sa Supre Court upang pigilan ang desisyon ng Comelec .

Noong weekend, sinabi ni Teves sa isang radio program na siya ay bababa sa puwesto kung hihilingin sa kanya ng Department of the Interior and Local Government at ng SC na gawin ito.

Hindi pa umuuwi sa probinsiya si Degamo at hindi pa alam kung kailan siya magre-report sa kapitolyo para manungkulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden