Bagong NegOr gov sinigurong walang balasahan sa kapitolyo

Bagong NegOr gov sinigurong walang balasahan sa kapitolyo

March 15, 2023 @ 9:16 AM 2 weeks ago


NEGROS ORIENTAL- TINIYAK ng bagong gobernador sa Negros Oriental na si Governor Carlo Jorge Juan “Guido” Reyes, na walang magagalaw sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng kanyang pamumuno matapos ang pagkamatay ni Gobernador Roel Degamo kamakailan.

Pormal na iniluklok ni Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. bilang bagong gobernador ng Negros Orienta si Reyes mahigit isang linggo na ang nakalipas bilang kapalit ni Degamo.

Nitong Lunes pumasok sa kapitolyo si Reyes sa kabila ng sumasailalim ito sa gamutan dahil sa kanyang karamdaman.

“Sa mga manggagawa sa probinsya, huwag kayong malungkot. Hindi ko papalitan ang sinuman sa inyo, maliban sa bagong talaga nitong sina Karen Lisette Molas, provincial administrator; at Mary Grace Antique, provincial legal officer.

Si Reyes, ang running mate na si Degamo noong Mayo 2022 na botohan, ay nahalal din bilang bise gobernador ng Negros Oriental.

Nanumpa siya sa harap ni Abalos ilang oras matapos ideklarang patay si Degamo noong Marso 4, 2023 matapos lusubin ang sa kanyang residential compound sa bayan ng Pamplona na ikinamatay na 8 at 17 pa ang nasugatan./Mary Anne Sapico