Bagong Odette’, coronavirus aid sa Pinas ibibigay ng EU

Bagong Odette’, coronavirus aid sa Pinas ibibigay ng EU

January 30, 2022 @ 2:31 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Naglaan ang European Commission 21 million euros (P1.19 billion) para suportahan ang komunidad na apektado ng kalamidad, alitan at pandemiya sa ilang Asian nations kabilang na ang Pilipinas.

“(T)yphoon Rai (Odette) has been a painful reminder that countries in Southeast Asia are experiencing first-hand the dramatic consequences of climate change. This is why the EU is further stepping up its humanitarian support to the most vulnerable affected by natural hazards in the Philippines, Nepal, and the region,” ayon kay European Union (EU) Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič sa isang kalatas.

“We also support those affected by protracted conflict in the Philippines, while further investing into the preparation and response to the coronavirus pandemic,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabuuang pondo, 10 million euros sa humanitarian assistance ay ibibigay sa mga biktima ng bagyong “Odette”, kung saan winasak ang ilang bahagi ng Pilipinas noong Disyembre 2021.

Tinatayang 1.5 million euros, ang ibibigay para suportahan ang mga komunidad na apektado ng tinatawag na “protracted conflict” sa bansa at tulong na rin sa ginagawang pagsisikap ng pamahalaan para labanan ang coronavirus.

Sinabi ng EU na prayoridad ng pinakahuling tulong nito sa Pilipinas ang mga ‘most vulnerable, conflict-affected communities” sa Mindanao na nangangailangan ng food assistance, protection, emergency livelihood, health, water, sanitation, nutrition services, at emergency shelters.

Habang target namang gamitin ang natitirang 9.5 million euros sa disaster preparedness and contingency response plans sa Nepal, iba pang Southeast Asian nations at maging sa Pilipinas.

Ang EU funds projects na nakatuon sa “enhancing community resilience and disaster preparedness capacities” sa mga bansa gaya ng Pilipinas, Vietnam, Cambodia, at Laos.

Simula pa noong 1996, ang European Commission, executive branch ng EU ay nagbigay na ng mahigit 153.5 million euros sa humanitarian funding sa Maynila. Kris Jose