Bagong OIC ng BI pinangalanan na

Bagong OIC ng BI pinangalanan na

July 7, 2022 @ 7:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng bagong kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang itinalagang bagong officer-in charge sa Bureau of Immigration (BI), na isa sa mga sangay nang nasabing departamento.

Batay sa inilabas na department order ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, itinalaga nito bilang OIC ng BI si Rogelio D. Gevero Jr. na magiging epektibo kaagad hanggang sa katapusan ng buwan.

Bago ang kanyang pagtatalaga, si Gevero ang hepe ng Immigration Regulation Division ng BI.

Una nang tinukoy ni Remulla ang BI kasama ang Land Registration Authority at Bureau of Corrections, bilang mga ahensya sa ilalim ng DOJ na nangangailangan ng atensyon.

Matatandaan na una nang itinalaga ni Remulla si National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director Medardo G. top article De Lemos, 37 taong beterano ng NBI, bilang OIC ng ahensya kung saan nagsilbi itong pangalawa sa pinakamataas na pwesto sa nasabing kagawaran sa huling OIC nito na si Atty. Eric Distor. Jay Reyes