Martires, bagong Ombudsman – Pangulong Duterte

Martires, bagong Ombudsman – Pangulong Duterte

July 26, 2018 @ 6:18 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Itinalaga na bilang bagong Ombudsman si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires.

Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga taga-Ipil sa kanilang ika-69 anibersaryo ng pagkakatatag sa Zamboanga Sibugay Province.

Tinawag ng pangulo na ‘bright’ at ‘fair’ at pinayuhan pa.

“Do what is right,” payo ng pangulo.

Nasa 11 mahistrado ang nag-endorso kay Martires sa Judicial and Bar Council (JBC) bilang kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Kinakailangan nang mag-ealy retirement ang 69-year-old na Associate Justice bago ang pitong taong termino nito sa Ombudsman.

Si Martires ay graduate ng law sa San Beda College na parehong alma mater ng Pangulo at kanya ring ka-brod sa Lex Talionis fraternity.

Si Martires ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema. (Remate News Team)