Bagong Omicron subvariant natuklasan sa Shanghai, China

Bagong Omicron subvariant natuklasan sa Shanghai, China

July 11, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


CHINA ā€” Nadiskubre sa lungsod ng Shanghai ang isang bagong kaso ng COVID-19 subvariant na Omicron BA.5.2.1, sinabi ng isang opisyal sa isang briefing, na nagpapahiwatig ng mga komplikasyon na kinakaharap ng China upang makasabay sa mga bagong mutasyon habang hinahabol nito ang “zero-COVID policy”.

Ang kaso, na natagpuan sa financial district ng Pudong noong Hulyo 8, ay iniugnay sa isang kaso mula sa ibang bansa, sabi ni Zhao Dandan, vice-director ng health commission ng lungsod.

Ang Shanghai, sa silangang Tsina, ay nakaaahon na mula sa isang lockdown na tumagal nang humigit-kumulang dalawang buwan simula Hunyo, ngunit patuloy itong nagpapataw ng matitinding paghihigpit, pag-lockdown ng mga gusali at compound sa sandaling lumitaw ang mga bagong potensyal na transmission chain.

“Our city has recently continued to report more locally transmitted positive cases [of COVID-19] and the risk of the epidemic spreading through society remains very high,” Zhao of the Shanghai health commission warned,” babala ni Zhao ng Shanghai health commission.

Sinabi niya na ang mga residente sa ilang pangunahing distrito ng Shanghai ay sasailalim sa dalawang round ng COVID test, mula Hulyo 12-14, sa hangaring makontrol ang mga potensyal na bagong paglaganap.

Ang variant ng Omicron BA.5 ay unang natuklasan sa China noong Mayo 13 sa isang 37 taong gulang na pasyenteng lalaki na lumipad patungong Shanghai mula sa Uganda, ayon sa China Center for Disease Prevention and Control.

Ang variant ng BA.5 ay mas mabilis na nakahahawa, ayon pa sa mga eksperto mula Tsina. RNT