Bagong orchid sa SG ipinangalan kina PBBM, Unang Ginang

Bagong orchid sa SG ipinangalan kina PBBM, Unang Ginang

September 7, 2022 @ 11:48 AM 4 weeks ago


SINGAPORE- Isinunod ang pangalan ng bagong hybrid ng orchid sa Singapore kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Ang bagong orchid, na tinawag na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos, ay isang “robust and free-flowing orchid hybrid”, na naglalabas ng semi-arching inflorescences na 50 hanggang 70 cm ang haba at mayroong 20 hanggang 30 bulaklak, at may sukat na tinatayang 4 cm ang lapad.

Nagtungo sina Marcos at kanyang asawa, sa ikalawang araw ng kanilang state visit sa Singapore, sa National Orchid Garden nitong Miyerkules ng umaga kung saan nagbahagi ng impormasyon ang park officials ukol sa bagong orchid. Lumagda rin sila sa guestbook ng nasabong garden.

Ayon sa curator na si Whang Lay Keng, sumisimbolo ito sa matibay na samahan ng Singapore at ng Philippines. 

“We are very honored to have an orchid named after the President and spouse,” pahayag ni Whang. RNT/SA