Bagong pamunuan ng PNR, LRTA, ERC itinalaga ni PBBM

Bagong pamunuan ng PNR, LRTA, ERC itinalaga ni PBBM

August 5, 2022 @ 3:29 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Patuloy na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

Itinalaga ng Pangulo ang mas maraming opisyal para pamunuan ang ang Philippine National Railways (PNR) at Light Rail Transit Authority (LRTA).

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista ang oath-taking, nitong Huwebes, Agosto 4 2022, nina Jeremy S. Regino bilang PNR Acting General Manager, kasama sina Henry L. Uri bilang Acting Member ng PNR Board of Directors.

Nagsilbi si Regino sa nakalipas na Administrator ng LRTA sa ilalim ng Duterte administration, habang si Uri, isang seasoned broadcaster at miyembro ng Board of Directors sa ilalim ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Nanumpa rin sa tungkulin ang dating tagapagsalita ng LRTA na si Spokesperson at Corporate Board Secretary Atty. Hernando T. Cabrera bilang bagong Administrator ng ahensiya.

Ang kanilang appointments ay kukumpirmahin ng kani-kanilang Board of Directors.

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si Atty. Monalisa Dimalanta bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission.

Siya ay alumna ng University of the Philippines at dating chief legal counsel at compliance Officer ng Aboitiz Power Corporation.

Nagsilbi rin siya bilang chairperson ng National Renewable Energy Board (NREB). Kris Jose