Bagong pasilidad sa STRH, binuksan na ng DOH

Bagong pasilidad sa STRH, binuksan na ng DOH

October 9, 2020 @ 11:57 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Cavite, Philippines – Pormal nang binuksan ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang bagong pasilidad Southern Tagalog Regional Hospital (STRH), isa sa dalawang apex hospitals sa rehiyon.

Sinabi ni Regional Director Ediardo C. Janairo na, nang i-renationalized ang STRH, kinilala ang pangangailangan ng maraming health care services  na magbibigay ng tama at epektibong health care services sa komunidad.

Hangad din ng DOH-CALABARZON na gawin itong isang development center para sa kalusugan sa Cavite at kalaunan ay isang akademiko at specialty training hospital sa rehiyon.

Ayon kay Janairo, simula  pa lamang ng kaunlaran ang bagong pasilidad.

“Ipapasok din natin ang mga specialty treatment service which will be cost effective sa ating mga kababayan dahil hindi na sila pupunta pa ng Manila para roon magpagamot kung available naman na rito,” anang opisyal.

Inihayag din ni Janairo na ang mga serbisyong medilal ng STRH ay isasama kasama ng Batangas Medical Center upang mapunan at palakas ang  pagiging epektibo ng  health system, pagbibigay ng tuloy-tuloy na pagkakaroon ng mga serbisyo mula sa simple hanggang sa kritikal na mga kondisyon.

 “We need to strengthen our hospital referral network systems to be able to respond efficiently to the health needs of the people.”

Kabilang ng bagong bukas na hospital wards ay ang OB COVID ward, OB operating room, OB delivery room, respiratory ward, medical ICU at radiology.

Pinasinayaan din ang  women and child protection unit at ang Cavite healthcare provider network command center kabilang ang telemedicine at teledentistry unit.

Sa kasalukuyan, kasama sa mga serbisyo ng STRH ang outpatient consultation para sa Pediatrics, Medicine, OB/GYNE at Surgery. Mayroon itong pangalawang clinical laboratory para sa blood services, pharmacy, first level x-ray services at ultrasound services.

Mayroon ding dental, family planning, bemonc (basic emergency obstetrics and newborn care), newborn screening with hearing test, VIA examination para sa cervical cancer at  animal bite treatment center at ang mother baby friendly facility na istriktong nagtataguyod ng breastfeeding.

“We can  do all things if we work together, we can make the impossible dream conceivable. The power to do it is in our hands and we can make it all happen through collaboration and team work. Sa pamamagitan ng DOH central office, our congressional representatives, local government officials at ang mga taong bumubuo ng STRH, lahat kaya nating gawin sa pagtutulungan,” paliwang pa ni Janairo.

Dumalo naman sa pagbubukas ng pasilidad na pinangunahan ni Janairo kasama sina Second District Representative Strike B. Revilla, Bacoor City Mayor Lanie Mercado-Revilla, STRH OIC-Chief of Hospital Ruby Ephraim M. Rubiano, regional office at STRH staff at iba pang  local government officials.

Ang  Southern Tagalog Regional Hospital ay dating  Bacoor District Hospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •