British national, 3 kasama huli sa parking lot ng mall

March 28, 2023 @3:43 PM
Views: 10
MANILA, Philippines- Isang British national na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) at tatlong iba pa ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng Nomo Mall Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na si Nathan Colquhoun, 47, isang British national, nasa gustong gulang at nasa listahan ng HVI, John Edric Kintana, alias Tol, 22, Shicille Delos Santos, 39 at John Jacob Kintanar,nasa listahan ng Street Level Individual (SLI).
Ayon sa report, dakong alas-9 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor City Police sa parking lot ng NOMO Mall sa Brgy San Nicolas 1, Bacoor City na nagresulta sa pagka aresto sa mga suspek at pagkakarekober ng tinatayang 20 gramo ng marijuana , pouch at buy bust money.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Sec. 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165 ang mga naarestong suspek. Margie Bautista
PNR ops suspendido sa Abril 6-9

March 28, 2023 @3:36 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- Suspendido ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) mula April 6 hanggang 9 sa paggunita ng Mahal na Araw pati na ang gagawing pagsasaayos sa mga tren at riles.
Sinabi ng PNR na ang operasyon ng tren ay magbabalik sa April 10.
Ayon pa sa pamunuan ng PNR, may train operation mula April 1, Sabado hanggang April 5, Holy Wednesday.
Magde-deploy naman ng maraming personnel sa mga pasilidad ng PNR upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng operasyon. Maglalagay din ng help desk sa bawat istasyon.
Magtatalaga rin ng nurse sa PNR Tutuban Clinic para sumuri ng blood pressure at magbigay ng first aid sa mga mangangailangang pasahero.
Magpapakalat din ng quick response teams sa Manila, Laguna, Lucena, at Naga sakaling may emergency .
Samantala, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang mga paliparan nito ay nasa heightened alert mula Abril 2 hanggang Abril 10, habang nakahanda na rin ang airport safety at security measures. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bryan Bagunas, Win Streak kampeon sa Taiwan Top League

March 28, 2023 @3:28 PM
Views: 8
MANILA- Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center.
Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang service ace nang patalsikin ng Win Streak ang pitong beses na kampeon na si Pingtung Taipower sa limang set, 19-25, 25-20, 18-25, 25 -21, 15-12.
Dahil sa panalo, ang 25-anyos na open spiker ang naging pangalawang Filipino volleyball player na nakakuha ng titulo sa ibang bansa matapos si Jaja Santiago at ang Ageo Medics ang namuno sa 2021 Japan V. League V Cup Championship.
Dati nang pinalakas ni Bagunas si Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan, na umaangkop mula 2019 at 2022, habang kinakatawan din ang Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na kaganapan sa proseso. JC
Economic cluster meeting sa Malakanyang, umarangkada

March 28, 2023 @3:24 PM
Views: 18
MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang economic cluster meeting ngayong umaga sa Malakanyang.
Kasama ng Pangulo sa pulong sina Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Department Secretary Amenah Pangandaman, Executive Secretary Lucas Bersamin at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.
Huling nagpatawag ng economic cluster meeting si Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang nang ipresenta sa kanya ang bahagyang pagbaba ng inflation noong Pebrero na naitala sa 8.6 percent mula sa 8.7% noong Enero.
Natalakay noon ang pangangailangang umangkat ng fertilizers sa ibang bansa sa gitna ng tinatarget ng Administrasyon na agricultural production.
Nasabi rin noon ni Diokno ang kanilang naging rekomendasyon sa Pangulo, ang pagpapabilis sa government processing na may kinalaman sa pag-iisyu ng clearances sa mga agricultural goods na nangangailangan na talagang gamitan ng digitalized customs processing. Kris Jose
Adamson men, UST women kuminang sa NBA 3X Philippines

March 28, 2023 @3:15 PM
Views: 9