Bagong pasyalan sa Kankalo

Bagong pasyalan sa Kankalo

July 8, 2018 @ 2:26 PM 4 years ago


 

May bagong ‘pas­yalan’ sa Caloocan City para sa buong pamil­ya at mga magkakabarkada dahil tiyak na swak na swak  ito sa inyong panlasa.

Matatagpuan ito sa harap ng magarang bagong tayong 8thth storey Caloocan City Hall sa 8th Avenue corner 8th Street, East  Grace Park.

Sa totoo lang, isa ako sa mga nahihilig ngayong bumisita sa nasabing bagong ‘pas­yalan’ na kung tawa­gi’y Caloocan’s People’s Park.

Napaliligiran ang parke ng kainan at recreational establishments na maaring pasukin at subukan ang mga ino-offer na re­cipe at serbis­yo. Isa sa paborito at pinipilahan dahil sa mura na’y masarap pa ang inihahain na pagkain ay ang Popop’s Pares ni Congressman Egay Erice.

Tulad ng Popop’s Pares, pila-pila rin ang tao sa McDonalds, Si­yudad by Barrio Fiesta, Iceberg, 7/11 at 8th Street food plaza.

Pagkatapos kumain sa mga kainan na ito, may sangay ang sikat na Starbucks na puwedeng bisitahin ang mga mahihilig magkape. Soon to open naman ang po­pular na Mandarin Sky Chinese resto na ti­yak dudumugin ng Chinese food lovers ‘pag nag­bukas na ‘to.

Para sa nais mag-relax ay pwedeng mag­sadya sa mga spa wellness. May mga nail salon at gym na makikita rin sa paligid sa nasa­bing parke.

Ang parking area sa lugar ay hindi problema dahil puwedeng gamitin ang malawak na underground parking ng bagong Caloocan city hall. Bukod pa ito sa maluwag na  parking area sa paligid ng parke na puwedeng i-accommodate ang mahigit isang daang sasak­yan.

‘Di rin dapat mangamba ang mga namamasyal sa parke dahil visible ang law enforcers at umiikot na mobile car.

May rescue van at ambulansya rin na naka-standby sa utos ni Mayor Malapitan, ayon sa mga laging handa na mga tauhan ng mga rescue at emergency team.

Ang kanilang presensya sa lugar, anila, ay para masiguro na ligtas ang sinomang bisita sa parke kapag nagkaproblema.

Try n’yo ang bagong ‘pasyalan’ na ito sa Kankalo.

Tiyak na mag-e-enjoy kayo.

-Checkpoint ni Padua