Bagong PD ng Isabela PPO, itinalaga

Bagong PD ng Isabela PPO, itinalaga

January 11, 2022 @ 1:55 PM 7 months ago


ISABELA- Pormal nang itinalaga ang bagong Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa isinagawang turn over ceremony sa PRO2 Grandstand, Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan mismo ni Police Brigadier General Steve B Ludan, PRO2 Regional Director kung saan pinuri at pinasalamatan ang napakahusay na liderato ni PCol. James Melad Cipriano outgoing Provincial Director ng IPPO na nakatanggap ng “Medalya ng Kasanayan” at Certificate of Recognition.

Ayon kay PCol. Cipriano, hinamon nito ang bagong itinalagang Provincial Director na si PCol. Julio Go na pantayan o di kaya’y higitan pa ang kanyang accomplishment dahil ang IPPO ay halos 48 weeks ay nangunguna sa Simultaneous Accomplishment Law Enforcement Operations o SACLEO sa boung rehiyon.

Si PCol. Go ay magiting na myembro ng PNPA “Tanglaw-lahi” Class of 1999 at former Chief, Regional Anti-Cyber Crime Unit 2 ang inatang na posisyon sa kanya bago itinalagang PD ng IPPO.

Samantala, matapos ang kanyang pagkatalaga ay agad nagsagawa naman ng “Talk to Men” sa PHQ personnel ng Isabela PPO kung saan siya’y mainit na tinanggap ng mga ito.

Kaugnay nito, nangako siya na mas paiigtingin ang serbisyo ng kapulisan ng Isabela PPO  sa kanyang pamumuno bilang bagong Provincial Director para mamintina ang katahimikan at kaayusan sa boung lalawigan. Rey Velasco