Bagong PDEA chief itinalaga ni PBBM

Bagong PDEA chief itinalaga ni PBBM

October 21, 2022 @ 9:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired police general Moro Virgilio Lazo bilang bagong hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ayon mismo sa pagkumpirma ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil.

Papalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva bilang director general ng PDEA, ang nangungunang ahensya sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Si Lazo ay ang dating direktor ng Special Action Force noong Marso 2015 at nagsilbi ring  miyembro ng Presidential Security Group sa ilalim ng dating pangulong Fidel V. Ramos.

Nagpasalamat naman si dating PDEA chief Villanueva.

“I am blessed to have been given the opportunity to serve in various capacities from my humble beginnings as a junior officer of the Philippine Constabulary until the transition to the Philippine National Police and eventually my career move to hang my Police uniform in favor of a full-time career as one of the pioneering Directors of the Philippine Drug Enforcement Agency,” saad sa kanyang Facebook post. RNT