Bagong pelikula ni Vhong Navarro, ipinasilip

Bagong pelikula ni Vhong Navarro, ipinasilip

July 6, 2018 @ 3:15 PM 4 years ago


Inilabas na ang trailer ng bagong pelikula ng comedienne-host na si Vhong Navarro na ‘Unli Life’.

Ang ‘Unli Life’ sa direksiyon ni Mike Livelo at iprinoduce ng Regal Films  ay iikot sa istorya ng isang lalaking iniwan ng girlfriend na gagampanan ni Wynwyn Marquez at makakapulot ng isang magic na bote na kung tawagin ay ‘Wishkey.’

Gamit ang ‘wishkey’, magta-time travel si Vhong para isalba ang nasirang relasyon.

Kasama rin sa pelikula sina Joey Marquez, Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, at Red Ollero.

Sa ngayon ay wala pang anunsiyo kung kalian ito ipalalabas pero humakot na ang trailer nito ng mahigit 80K na views. (Remate News Team)