Bagong PNP spokesperson pinangalanan ni Carlos

Bagong PNP spokesperson pinangalanan ni Carlos

January 28, 2022 @ 8:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – May bago nang tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP) ayon sa hepe ng kapulisan sa katauhan ni Col. Jean S. Fajardo.

Sa isang nes conference sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo B. Carlos na si Fajarado na ang opisyal niyang tagapagsalita matapos na palitan nito ang bagong promote na si Brig. Gen. Roderick Augustus Alba sa magiging full-time chief ongf PNP Public Information Office.

Si Fajardo ay isang abogado at miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1996, na nagtapos sa Jose Rizal University College of Law at pumasa sa 2009 Bar examinations.

Si Fajardo at dating deputy director for operations ng PNP Drug Enforcement Group, dating director ng Pampanga provincial police, at dating chief of the Public Information Office (PIO) of the Police Regional Office 3 (Central Luzon). RNT