Bagong PNR Clark trains ininspeksyon ng DOTr

Bagong PNR Clark trains ininspeksyon ng DOTr

January 27, 2022 @ 9:14 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-inspeksyon sa mga tren na binili ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 project sa Valenzuela City.

Sa isang Facebook post, pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pag-inspeskyon ng mga tren na binili mula sa Japan Transport Engineering Company and Sumitomo Corporation bilang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) system.

“Fifty-eight train sets ang inaasahang tatakbo sa kabuuang NSCR mula sa Clark International Airport (CRK) hanggang sa Calamba, Laguna,” ayon kay Tugade.

Sa kabila ng nabigong pagtatangka na magtayo ng rail system simula noong 1994, at sa pinakabagong resulta sa protracted legal battle sa isang international arbitration sa pagitan ng Northrail at SINOMACH noong 2016, sinabi ni Tugade na ang PNR Clark Phase 1 (38-kilometers long mula Tutuban tungo sa Malolos) at Phase 2 (53-km long mula Malolos tungo sa Clark) ay kasalukuyan ngayong “in full swing construction.”

Idagdag pa rito, sinabi pa niya na ang delivery ng 58 eight-car train sets, o kabuuang 464 train cars ng NSCR, ay nagsimula na matapos na mai-deliver ang first train noong Nobyembre 2021.

“Oras na matapos ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minutes na lamang ang travel time mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan, mula sa current 1.5 hours,” ayon kay TUgade.

Kapuwa ang PNR Clark Phase 1 at 2 ay pinondohan sa pamamagitan ng tulong mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB).

Sa kabilang dako, may 9 na civil works contracts para sa pagtatayo ng PNR Calamba—56-km long mula Maynila tungo sa Calamba—ang inaasahan na ia-award ngayong first quarter ng 2022.

Sa ngayon, ang PNR Clark 1 ay mayroong 53.85% overall progress rate, ang PNR Clark 2 ay may 34.46% at ang PNR Calamba ay 28.62% na kompleto. Kris Jose