Bagong PPCRV chairman, pinangalanan

Bagong PPCRV chairman, pinangalanan

August 10, 2022 @ 9:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinalaga si Evelyn Singson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting’s (PPCRV) bilang bago nitong chairman, ayon sa poll watchdog nitong Martes.

Pinalitan ni Singson si Myla Villanueva, na bumaba sa pwesto nitong Hulyo matapos manungkulan mula 2018.

Si Singson ang dating presidente ng Management Association of the Philippines and Women for Women Foundation-Asia.

Sinabi ng PPCRV na nagbalangkas si Singson ang programa “to proactively invigorate parishes, church organizations, schools, civic clubs and the business community to join hands in ensuring responsible voting.”

Pinasalamatan din ng church-based poll watchdog si Villanueva para sa kanyang “significant contribution to what PPCRV is today.”

“She is responsible for leading the development and implementation of many important initiatives within the organization,” dagdag nito.

Pinangunahan ni Villanueva ang PPCRV sa dalawang national elections, ang 2019 midterm polls at ang presidential elections noong Mayo. RNT/SA