Bagong prison facility sa Mindoro state-of-the-art – Remulla

Bagong prison facility sa Mindoro state-of-the-art – Remulla

January 19, 2023 @ 7:17 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni Justice Secretary Crispin Remulla na magiging state-of-the-art ang itatayong pasilidad para sa mga heinous crime convicts.

Sinabi ni Remulla na inaayos na ng Bureau of Corrections (BuCor) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang disenyo ng piitan na itatayo sa Sablayan, Occidental Mindoro

Ayon kay Remulla, bukod sa pagiging high-tech umano ng pasilidad, magiging “smart” ang disenyo ng kulungan dahil sa mga ilalagay na camera sensor, facial recognition technology, at iba pang makabagong teknolohiya.

Nais din ng kalihim na maging solar-powered ang supermax facility.

Posibleng umabot sa P6 bilyon ang kakailanganin na pondo para sa pasilidad.

Gayunman tiniyak ni Remulla na maaari pa mapababa ang budget dahil hindi na kamahalan ang mga nasabing teknolohiya. Teresa Tavares