Bagong punong sa Pinas lang makikita, nadiskubre

Bagong punong sa Pinas lang makikita, nadiskubre

November 10, 2021 @ 11:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadiskubre sa Pilipinas ang bagong species ng Tristaniopsis sa Myrtaceae family o pamilya ng makopa, guava, at eucalyptus, ayon sa University of the Philippines – Los Baños (UPLB).

Ang nasabing puno ay nadiskubre ni (UPLB) Professor Edwino S. Fernando, kasama si Dr. Peter G. Wilson ng Australian Institute of Botanical Science.

Ang kanilang pag-aaral ay nailathala na bilang journal article sa Telopea, ang Journal of Plant Systematics nitong Oktubre 29.

Sa kanilang datos, ang Tristaniopsis flexuosa, ay isang maliit na puno na may taas na tatlong metro, at partikular na makikita sa Mount Redondo, Dinagat Island.

Dagdag pa ng UPLB na tinawag itong ‘flexuosa’ dahil sa mga hindi ordinaryong balikong sanga nito. RNT