Bagong quarantine status sa NCR dedesisyunan na ng MMC

Bagong quarantine status sa NCR dedesisyunan na ng MMC

July 14, 2021 @ 12:58 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakatakdang ianunsyo ng Metro Manila Council (MMC) ang kanilang rekomendadong quarantine status sa National Capital Region (NCR) mula Hulyo 16 sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez,  chairman ng MMC, iaanunsyo ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang desisyon ng Metro Manila mayors tungkol dito.

 “Patuloy na bumababa ang bilang pero hindi pa rin tayo puwedeng mag-relax. Kailangan meron pa ring strict compliance sa health protocols,” lahad ni Olivarez sa panayam.  RNT/FGDC