Bagong rekomendasyon ng IATF ipatutupad na- Malakanyang

Bagong rekomendasyon ng IATF ipatutupad na- Malakanyang

January 9, 2022 @ 5:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Bunsod ng pagtaas ng hospital care utilization rate, ipatutupad na ng pamahalaan ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub-Technical Working Group (sTWG) on Data Analytics sa National Task Force (NTF) Health Facilities Sub-Cluster.

Kabilang dito ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang:

  • Pagtaas sa availability ng bed capacity sa National Capital Region at surrounding areas (NCR Plus Areas);

  • Pakikipag-ugnayan sa relevant stakeholders para pagsamahin ang monitoring ng kapasidad ng Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) sa measurement nito sa health systems capacity;

  • Pagtitiyak na ang pasyente ay nangangailangan ng pangangalaga at kaagad na maire-refer; at

  • Pagre-assess sa kapasidad ng TTMFs, taasan ang kapasidad ng TTMF kung kinakailangan at alisin ang anumang referral quotas mula ospital.

Sa kabilang dako, ang DOH Field Implementation and Coordination Team (FICT) at NTF Health Facilities Sub-Cluster, ay inatasan na kaagad na makipag-ugnayan sa NCR hospitals para i-determina kung paano ilalaan ang COVID-19 beds.

Dagdag pa, ang NTF Health Facilities Sub-Cluster, kasama ang DOH Knowledge Management and Information Technology Service, ay inatasan na taasan ang kapasidad ng telehealth at telemedicine sa labas ng NCR.

“The IATF sTWG on Data Analytics has also recommended that the One Hospital Command Center ensure as close to real-time updating of health systems capacity as possible based on functional bed capacity to take into consideration the level of available health care workers,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Samantala, inatasan naman ng TWG on Data Analytics ng IATF ang Community Response Cluster at ang Department of the Interior and Local Government na tiyakin na ang Emergency Operations Centers na may functional triage areas ay “in place” sa lahat ng local government units.

“These shall oversee patient navigation so that only those needing hospitalization are brought to the health facilities,” aniya pa rin.

Inatasan din ang mga ito na siguraduhin na iyong mga sasailalim sa home isolation o quarantine ay imo-monitor ng Barangay Health Emergency Response Teams at dapat na available ang access sa testing, treatment, at facility referral lalo na para sa mga may comorbidities, o iyong nabibilang sa vulnerable sectors.

Gayundin, inatasan din ang mga ito na paigtingin ang active case finding NCR Plus areas at paigtingin ang active case finding at mahigpit na contact tracing hanggang sa 3rd generation sa lahat ng lugar sa ilalim ng Alert Level 2.

Idagdag pa rito, inirekumenda ng TWG on Data Analytics ng IATF ang mga sumusunod na COVID-19 Laboratory Network:

“(1) increase RT-PCR testing capacity in NCR Plus areas so as to handle the influx of tests by ensuring that laboratories are operational seven days a week; (2) prioritize A2 and A3 populations for testing; (3) fast-track applications for Licenses to Operate for new RT-PCR laboratories; and (4) promptly provide commodities for swabbing and testing.”

At ang panghuli, inatasan ang National Vaccination Operations Center na taasan ang vaccination rates sa labas ng NCR sa lalong madaling panahon.

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat na naging symptomatic na kaagad na mag-isolate dahil makatutulong ito na kontrolin ang transmisyon o pagkahawa ng covid 19.

“Home isolation is recommended for those with mild or asymptomatic COVID-19. But local government units should be able to provide services such as telemedicine and immediate referral so that those requiring additional management may be assessed and treated appropriately,” aniya pa rin. Kris Jose