Bagong seaman’s book ibibigay nang libre ng gobyerno – DOTr

Bagong seaman’s book ibibigay nang libre ng gobyerno – DOTr

January 25, 2022 @ 8:45 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ipamamahagi nang libre ng gobyerno ang bagong seaman’s book sa mga first-time seafarer, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Tugade na ang Maritime Industry Authority ay binawasan ng 50% ang halaga ng pagre-renew ng mapapasok nang seaman’s books.

“‘Yung mga first time seamen, na kukuha ng seaman’s book. ang halaga nito P1,000 to P1,800 depende kung san mo kukunin, libre na ho yun,” ulat ni Tugade sa Pangulo.

“Paano ang renewal? 50% discount up to December this year,” dagdag pa niya.

Ang seaman’s book ay katumbas ng working visa para sa mga manlalayag. RNT