Bagong self-sex vid ni Kit kumakalat nanaman

Bagong self-sex vid ni Kit kumakalat nanaman

January 3, 2023 @ 12:36 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Idinaan muna sa blind item ang tungkol sa video ng pagsasarili ng isang hunk actor.

Pero days later, tinukoy ang subject nito bilang si Kit Thompson.

Usap-usapan tuloy si Kit among chat groups partikular na ng mga bading.

Kung tutuusin, hindi na bago ito sa kaso  ni Kit na nagkaroon na rin in recent past ng video on self-pleasure.

Ayon sa nakapanood ng ikalawa niyang video, ilang segundo lang daw ang running time nito.

Sumusumpa pa ang nakapanood niyon na hindi ‘yon puwedeng itanggi ni Kit dahil siyang-siya ‘yon.

Hindi kamukha o lookalike niya kundi siya mismo.

Pero kapansin-pansin daw ang pagiging malamlam ng mga mata ni Kit, as in mukhang hindi siya masaya sa kanyang ginagawa.

Tuloy, marami ang curious malaman kung ginawa raw ba ‘yon ng hunk actor out of desperation.

Matatandaang nasangkot si Kit sa umano’y pananakit sa kanyang actress-girlfriend na si Ana Jalandoni.

Umabot sa asunto ang usapin na determinadong ipursige ni Ana para mabigyang hustisya ang ginawa ni Kit sa kanya.

As a result, may ilang proyekto si Kit na humulagpos sa kanya.

Wala na ring balita kung tuluy-tuloy pa rin ang mga film assignments niya sa Vivamax.

Ayon sa mga nakapanood ng ikalawang self-sex video ni Kit, mukha raw na-depress ito sa naging takbo ng kanyang career.

As if to call attention to himself para nga naman lumikha ng ingay kung kaya’t he came up with another sex video. Ronnie Carrasco III