Bagong specie ng halaman nadiskubre sa Pinas



Bagong specie ng halaman nadiskubre sa Pinas

June 6, 2021 @ 9:27 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Isang bagong specie ng halaman na mistletoe ang nadiskubre sa protected area at world heritage site sa Davao Oriental.

Ang grupo ng mga researcher na pinangunahan ni Danilo Tandang at John Michael Galindo ng National Museum ang nakakita sa pinangalanang Amylotheca cleofei sa Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary.

Ang nasabing pagkakadiskubre rin ang sinasabing pinakaunang naitalang specie ng genus Amylotheca sa bansa.

Nailathala ang nasabing pagkakadiskubre sa scientific journal Phytotaxa.

Ang Amylotheca ay parte ng mistletoe family.

Sa nasabing journal, sinabi ninan Tandang, Galindo, at iba pang d their co-authors na ang Amylotheca cleofei ay iba sa mga kilalang Amylotheca species base sa “distinctive reproductive and vegetative character.” RNT


  •  
  •  
  •