Bagong SRP list ng school supplies ipinalabas ng DTI

Bagong SRP list ng school supplies ipinalabas ng DTI

August 12, 2022 @ 5:01 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ay naglabas ang Department of Trade and Industry ngayong Biyernes ng isang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.

Ang kagawaran ay naglabas ng revised “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi na kasi detalyado ang lumang listahan, ani Trade Secretary Alfredo Pascual.

Sa bagong listahan, nakapaloob na ang mga tatak o brand ng gamit pang-iskul, maging ang mga detalye nito, dagdag pa ng DTI.

Para sa mga notebook, kasama sa bagong gabay ang laki, bilang ng mga pahina, kalidad ng papel, pangalan ng tatak, at kahit na mayroon silang generic o character na disenyo.

Anang DTI, ang mga detalyeng ito ay makakatulong sa mga magulang at mag-aaral na ihambing ang mga presyo sa mga tindahan, sinabi ng ahensya.

“Canvass, check other suppliers. For the same level of quality, a product can be more expensive in an expensive place, but if you go to Divisoria, same product will be available at a lower price,” ani Pascual .

Sa kabilang banda, sinabi naman Philippine Stationers Association President Charles Sy, na hindi na kailangang maglabas ng SRP sa mga school supplies dahil pangkalahatan ay mababa naman ang presyo ng mga gamit sa paaralan.

“I think that would be counter productive, because number one like I said, mababa, we are not a high margin industry. It is not as if we are taking advantage of the consumers,” aniya. RNT