Bagong Tangos fire sub-station, pinasinayaan na!

Bagong Tangos fire sub-station, pinasinayaan na!

October 19, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng Tangos Fire Sub-Station sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North.

Ang lumang gusali ay pinalitan ng bago na mayroong tatlong palapag at mas modernong mga pasilidad.

Bahagi pa rin ito ng BFP Modernization sa Navotas upang maging mas handa sa pag-responde ang mga bumbero sa anumang kalamidad o sakuna.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan