Bagong tulay sa Pampanga, 88% nang kumpleto – DPWH

Bagong tulay sa Pampanga, 88% nang kumpleto – DPWH

September 10, 2022 @ 3:51 PM 3 weeks ago


PAMPANGA – Malapit nang mtapos o halos nasa 88% nang kumpleto ang bagong tulay na ipinapagawa sa Masantol, Pampanga ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang iniulat ngayong Sabado, Setyembre 10 ni Undersecretary Emil Sadain makaraang magsagawa ng inspeksyon ng Pampanga Delta Bridge Project ang mga ito kasama ni Secretary Manuel Bonoan.

Mahalaga umano ang naturang tulay upang mas palaguin pa ang ekonomiya lalo na ng mga bayan ng Masantol at Macabebe sa Pampanga maging ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy at Malolos sa Bulacan.

“At present, all these municipalities are exchanging trades through long routes passing Apalit, Pampanga”, ayon sa pahayag.

Sa oras na makumpleto ay mapapabilis umano nito ang byahe mula sa Masantol at Macabebe na kilala bilang sentro ng aquaculture development ng Pampanga at pinagkukunan rin ng mga bangus, tilapia, alimango at iba pang lamang-dagat ng mga taga-Metro Manila.

Inaasahang makukumpleto ang proyekto sa Setyembre 2023. RNT/JGC