Bagong uri ng ahas natagpuan sa Visayas

Bagong uri ng ahas natagpuan sa Visayas

December 28, 2020 @ 10:45 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Natuklasan ang bagong uri ng ahas na umano’y laganap sa Pilipinas ng isang grupo ng eksperto.

Base sa isang pag-aaral nina Jeffrey Weinell, Daniel Paluh, Cameon Siler at Rafe Brown ng University of Kansas, natuklasan ang “Waray Dwarf Burrowing Snake” sa Samar at Leyte islands.

Anila, ang naturang ahas ay nabibilang sa bagong ‘genus Levitonius’ o Levitonius mirus species na mayroong maraming skeletal characteristics na katulad ng Myersophis at Oxyrhabdium.

Naiiba lamang ito sa laki kung saan maaaring humaba ito hanggang 172 millimeters kaya’t ito na ang pinakamaliit na uri ng Elapoidea family.

Dahil sa maliit ito, kumakain lamang ito ng mga earthworm.

“Molecular data support Levitonius, new genus, to be most closely related to Myersophis and Oxyrhabdium, and it shares multiple skeletal characteristics with these genera; Levitonius, new genus, differs from all of these taxa in body size, scalation, and other characters,” ayon sa pag-aaral na inilathala nitong Disyembre 23.

“Skeletal and other phenotypic data suggest that Levitonius, new genus, is fossorial and likely has a diet that is specialized on earthworms. Levitonius mirus, new genus, and species has a maximum total length of 172 mm and is at present the smallest known species in Elapoidea,” base sa pananaliksik.

Anila, ang pagkakatuklas ng Waray Dwarf Burrowing Snake ay kinakailangan pa ng karagdagang pag-aaral sa biodiversity ng Samar at Leyte.

“Our results highlight the need for future work on Samar and Leyte Islands, which have received relatively little attention from systematists, in part because of a prevailing biogeographic paradigm that predicted (not necessarily correctly) that these islands would simply have a nested faunal subset of the Mindanao faunal region land vertebrates,” saad ng grupo.

“The discovery of a strikingly distinct and phylogenetically divergent snake lineage on these landmasses joins numerous related studies calling for a wholesale reconsideration of the Pleistocene Aggregate Island Complex model (the PAIC paradigm of diversification) biogeographic framework,” dagdag pa nila.

Sa isang Twitter post, ibinahagi ng grupo ang larawan ng bagong tuklas na ahas. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...