Bagong US Ambassador to the Philippines, darating sa katapusan ng Hulyo

Bagong US Ambassador to the Philippines, darating sa katapusan ng Hulyo

July 9, 2022 @ 2:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang dumating sa bansa sa katapusan ng Hulyo ang bagong envoy ng Washington sa Pilipinas.

Itinalaga ni US President Joe Biden ang career diplomat na si  MaryKay Loss Carlson bilang  susunod na US ambassador to the Philippines.

Ang posisyon na naging bakante simula noong Oktubre  2020.

“We are really excited to welcome very soon our new ambassador, ambassador MaryKay Carlson. She will be here in the Philippines by the end of the month,”  ayon kay Chargè d’Affaires Heather Variava sa isang panayam.

“She’s now in Washington having meetings preparing to come out here in the Philippines and I’m looking forward to taking on my role as her deputy once she gets here at the end of the month. So stay tuned there’s a lot more to come with our new ambassador,” dagdag na pahayag nito.

Isang veteran diplomat, si Carlson ay dating Deputy Chief of Mission sa US Embassy sa Buenos Aires, Argentina bago pa ang kanyang  appointment sa Pilipinas.

Nagsilbi rin siya bilang  Deputy Chief of Mission sa New Delhi, India sa loob ng tatlong taon at bilang principal Deputy Executive Secretary ng  Secretary of State sa Washington, D.C.

Pinasok ni Carlson ang  foreign service noong 1985 matapos na makakuha ng degree sa Spanish sa International Studies mula sa  Rhodes College sa Memphis, Tennessee at Master of Arts sa International Relations mula Georgetown University sa Washington, D.C.

Ang kanyang  diplomatic postings ay kinabibilangan ng China, Ukraine, Hong Kong, Mozambique, Kenya, at Dominican Republic. Kris Jose