Bagong vaccination record nakamit ng QC sa OCTA reports

Bagong vaccination record nakamit ng QC sa OCTA reports

June 24, 2021 @ 7:38 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa Quezon City matapos ang pagsisikap na vaccination ng lokal na pamahalaan at ang lockdowns na isinagawa upang maging epktibong mapababa ang COVID, ayon sa report ng OCTA Research Group.

Sa press release, sinabi ng QC government sa mga nakalipas na linggo ng Hunyo 15 hanggang 21, sinabi ng OCTA na ang average daily cases ay bumaba ng 154 mula sa 167 nitong nakalipas na  Hunyo 8 hanggang 14.

Ang daily attack rate per 100,000 population ay bumaba ng 4.90 kumpara sa 5.30 ng nakalipas na linggo.

Ayon sa ulat ang reproduction rate ay bahagyang tumaas ng 1.08 habang ang positivity rate ay nananatiling nasa 7%.

Habang ang hospital bed occupancy sa Quezon City ay nasa 53%  at  sa ICU occupancy ay nasa 55% na kapwa  nasa safe levels gaya ng inireseta ng Department of Health (DOH).

Sinabi pa sa ulat na ang city’s Average Daily Attack Rate per 100,000 ay nasa 4.90, na bahagyang bumaba mula sa 37.58 nitong nakalipas na Abril.

Nabatid pa sa ulat na ang  ADAR ay isa sa dalawang indicators na ginagamit ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang malaman ang quarantine  mode ng lungsod o lalawigan.

Ang mataas na ADAR ay nagpapakita ng high rish ng makakuha ng COVID-19 sa lungsod ang ADAR  na mas mababa ay nagpapakita ng low risk, 1-7 moderate at ang higit pa dito ay kinokonsedera na mataas.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David ang pagpapabuti ay sunod sunod nitong mga nakalipas na linggo at nagpapakita ng magandang senyales sa mga susunod pang linggo.

“The decrease was a bit slower this week but what is important is that it is trending downward. Compared to the peak of the surge, we are at a safe level now as every indicative number has improved,” ayon kay Dr. David. (Santi Celario)


  •  
  •  
  •