Bagong Westmincom, Viscom chiefs itinalaga ni Digong

Bagong Westmincom, Viscom chiefs itinalaga ni Digong

September 15, 2021 @ 7:41 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines –  Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong mga hepe ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command at Visayas Command, Miyerkoles.

Si Army Major General Alfredo Rosario, Jr. ang bagong kumander ng Westmincom, matapos na mapili ng pangulo, ayon sa kumpirmasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Si Rosario ang pumalit kay Lieutenant General Corleto Vinluan, Jr. Epektibo ang kanyang bagong posisyon simula pa noong Setyembre 14.

Ang bagong Westmincom chief ay nagtapos sa Philippine Military Class of 1988, at dating Philippine Army 7th Infrantry Division Commander.

Sa kabilang banda, itinalaga rin ng Pangulo si Major General Robert Dauz ng Philippine Army bilang kumander ng Viscom.

Pinalitan ni Dauz si Lieutenant General Roberto Ancan.

Bahagi si Dauz ng PMA Class of 1988 at dating Vice Commander of the Philippine Army. RNT


  •  
  •  
  •