Bagsik ni Domeng, napanatili

Bagsik ni Domeng, napanatili

June 6, 2018 @ 4:09 PM 4 years ago


Manila, Philippines- Asahan ang malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at iba pang bahagi ng Visayas sa paglakas ng bagyong “Domeng” sa Biyernes.

Ayon sa PAGASA, bagama’t hindi tatama sa lupa ang nasabing bagyo, maapektuhan nito ang hanging habagat na magiging dahilan ng malakas na pagilan sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Huling namataan ang tropical depression sa 805 kilometrong Silangan ng Catarman, Northern Samar na may lakas ng hangin na 45 kph, bilis na 60 kilometers per hour at gumagalaw ng 15 kilometers per hour pahilagang kanluran. (Remate News Team)