Baguilat nabiktima ng fake news, nag-sorry kay Sandro

Baguilat nabiktima ng fake news, nag-sorry kay Sandro

November 27, 2022 @ 10:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si dating Ifugao lone district Rep. Teddy Baguilat Jr. kay Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos sa pagbabahagi nito ng isang Twitter post na peke o hindi naman pala totoo.

Sa naturang post kasi, makikita ang isang quote card na sinabi umano ni Marcos na kung mahal ang pulang sibuyas ay puting sibuyas na lamang ang gamitin.

Kalaunan ay nilinaw ng presidential son na wala siyang sinabing ganitong pahayag.

“Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong Sandro that I commented is not true. I apologize. My bad,” ani Baguilat sa isang tweet nitong Sabado, Nobyembre 26.

“For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po,” dagdag niya.

Samantala, hindi naman direktang sinabi ni Baguilat kay Marcos ang naturang pahayag. RNT/JGC