Baguio airport target buksan ng CAAP

Baguio airport target buksan ng CAAP

October 5, 2022 @ 6:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinisilip na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga bagay na dapat repasuhin sa muling pagbubukas ng Baguio (Loakan) Airport sa commercial operations.

Ito ay matapos makipagpulong ang CAAP sa local government unit (LGU) ng Baguio City at iba pang stakeholders.

Ayon kay Acting Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, maglalaan sila ng pondo para sa rehabilitasyon ng passenger building terminal ng Baguio Airport.

Kasama rito ang pagsasaayos ng instrument landing system (ILS) at pagpapalawig ng runway ng 100 metro.

Target ng CAAP at LGU officials ng Baguio City na magbalik ang commercial operations sa nasabing paliparan bago matapos ang taon. RNT/JGC