Baguio-Cebu flight ilulunsad ng PAL

Baguio-Cebu flight ilulunsad ng PAL

October 26, 2022 @ 4:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Philippine Airlines (PAL) ang flight mula Baguio patungong Cebu at pabalik simula Disyembre 16.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang De Havilland Dash 8 Series 400 Next Generation turboprop kung saan ang byahe ay isasagawa sa pagitan ng dalawang destinasyon tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Ang PR 2230 ay aalis ng Cebu ng 8:50 ng umaga at lalapag sa Baguio ng 10:50 a.m. samantala ang PR 2231 ay aalis ng Baguio ng 11:10 a.m. at lalapag sa Cebu ng ala-1 ng hapon.

“This will be PAL’s comeback to the very first destination we served nearly 82 years ago, so we are happy to be flying back to where it all started,” ayon kay PAL president and chief operating officer Stanley Ng.

“At the same time, we’re inaugurating a brand-new service, linking two progressive tourist and business destinations – the Queen City of the South and the City of Pines,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, target naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maibalik na ang commercial operations ng Loakan Airport sa papalapit na Christmas season sa pamamagitan ng P68-milyon pondo na inilaan para sa rehabilitasyon nito. RNT/JGC