Baguio-Cebu flights ng PAL aarangkada na sa Disyembre

Baguio-Cebu flights ng PAL aarangkada na sa Disyembre

October 27, 2022 @ 7:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na maglulunsad na sila ng mga biyahe sa pagitan ng Baguio at Cebu sa Disyembre 16, gamit ang De Havilland Dash 8 Series 400 Next Generation turboprop.

Babyahe ito apat na beses sa isang linggo, partikular na tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo.

Ang PR 2230 ay aalis ng Cebu ng 8:50 a.m. at darating sa Baguio ng 10:50 a.m., habang ang PR 2231 ay aalis ng Baguio ng 11:10 a.m. at darating sa Cebu ng 1 p.m.

“This will be PAL’s comeback to the very first destination we served nearly 82 years ago, so we are happy to be flying back to where it all started. At the same time, we’re inaugurating a brand-new service, linking two progressive tourist and business destinations – the Queen City of the South and the City of Pines,” ani PAL president and chief operating officer Stanley Ng. RNT