Baguio City bukas na sa turista mula sa Ilocos Region sa Sept. 22

Baguio City bukas na sa turista mula sa Ilocos Region sa Sept. 22

September 18, 2020 @ 2:43 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bubuksan na ang Baguio City sa mga turista na magmumula sa Ilocos region sa darating na Setyembre 22.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa Baguio City na kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  magrehistro sa  online at magpakita ng patunay  ng  hotel reservation.

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .

“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang  local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o  Visitors Information and Tourist Assistance app  para ma-manage ang pagdating ng mga turista.

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang  tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.

Kailangan naman na isailalim ng mga turista ang kanilang sarili  sa  swab test o antigen test. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...