Baguio City Public Market naabo!

Baguio City Public Market naabo!

March 12, 2023 @ 9:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasunog ang bahagi ng Baguio City Public Market noong Sabado ng gabi.

Naapektuhan ang Blocks 3 at 4 ng market sa sunog na sumiklab bandang alas-11 ng gabi. Ang mga lugar na ito ay naglalaman ng mga stall na nagbebenta ng mga damit at souvenir, ayon kay ayon kay Baguio City Fire Station chief Fire Superintendent Marisol Odiver.

Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog bago ito naapula alas-4:38 ng umaga noong Linggo.

Wala namang nasaktan sa sunog, dagdag pa ni Odiver.

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang mga displaced vendor ay papayagang gumamit ng mga lansangan sa palengke pansamantala habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa relocation site sa ilalim ng public-private partnership (PPP) project.

“Siguro initially siguro, sa kalsada muna natin ilalagay kasi hindi pa naman ready ‘yung ating relocation site, hindi pa natapos ang proseso ng PPP. But I hope na ma-fast track lahat ‘yan para tuloy-tuloy ang pagtatayo ng relocation site. at talagang ma-rehabilitate natin itong palengke,” ani Magalong sa kanyang mensahe. RNT