Baguio COVID case naireport; downward trend asahan sa Pebrero – Magalong

Baguio COVID case naireport; downward trend asahan sa Pebrero – Magalong

January 28, 2022 @ 3:28 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nakikita na ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang  “plateauing” ng COVID-19 sa lugar at inaasahan na rin ang downward trend sa Pebrero.

“Sa ngayon ang active cases namin nandito na sa 3,022. Umabot siya ng almost 4,900, pero pababa na rin siya,” ani Magalong sa Laging Handa briefing.

“Starting this week, nagkaroon na kami ng plateauing and based on our forecast, siguro mga two weeks na plateauing and after that, by second week of February, we will be realizing a downtrend sa ating mga kaso.”

Mayroon aniyang naganap na tatlong peak sa gitna ng COVID surge.

Una rito noong Disyembre 27, sinundan noong Enero 3 na naitalang highest peak; at huli nitong Enero 15.

“Pero pababa pa rin, generally pababa pa rin ‘yung aming trend.”

Samantala, mas nais ni Magalong na isailalim ang Baguio City sa Alert Level 3.

“Opening our economy and tourism industry and at the same time madali ‘yung paghihigpit. Very comfortable ako sa Alert Level 3.” RNT/FGDC