Baguio market vendors na apektado ng sunog, bibigyan ng P10K – DSWD

Baguio market vendors na apektado ng sunog, bibigyan ng P10K – DSWD

March 17, 2023 @ 8:18 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Makatatanggap ng kabuuang P1.5 milyon halaga ng relief assistance ang mga biktima ng sunog sa Baguio City public market noong nakaraang linggo.

Matatandaan na ang sunog ay puminsala sa kabuhayan ng nasa 2,200 katao kabilang ang 1,700 stall vendors na may mga natupok na stall, at 500 vendor sa paligid ng palengke.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes, Marso 16, nauna nang namigay ang field office nito sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng food packs sa mga pamilya ng biktima.

Dagdag pa, mamimigay din ito ng P10,000 na financial assistance sa 1,700 market vendors.

Ayon sa DSWD, mayroong 40,600 food packs at P5 milyon standby fund para sa mga kahalintulad na emergency ang kanilang CAR field office. RNT/JGC