Baguio mayor nagdeklara na ng #WalangPasok sa trabaho, iskul sa syudad

Baguio mayor nagdeklara na ng #WalangPasok sa trabaho, iskul sa syudad

July 27, 2022 @ 11:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Agad na sinuspinde ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ngayong Miyerkoles ang suspensyon ng pasok sa mga trabaho at eskwelahan sa pribado man o pampublikong sektor matapos ang magnitude 7.3 na lindol na tumama sa Abra.

Sinabi ni Magalong na wala pa silang naitatalang sugatan bukod sa insidente ng pagtalon ng isang estudyante sa Saint Louis University matapos na magpanik.

“As of today, as of this time, wala tayong serious damage, no injuries, no serious injuries reported except for one particular student na nag panic doon sa Saint Louis University na tumalon,”  ani Magalong.

“Hindi namin alam kung ano ‘yung extent ng kanyang injury but she was already rushed to the hospital. So we’re not getting in touch with the hospital,” aniya pa.

Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga barangay official para malaman naman ang lawak ng pinsalang natamo sa lindol.

“So far, wala naman tayong damage pa. We have several constituents at residents na nahilo at, you know, first aid is already being administered to them,” paglilinaw naman ng alkalde.

“We are appealing to all the building owners na wag muna nila papasukin ‘yung kanilang mga occupants sa mga buildings until such time that we are deemed safe by the structural engineers o kaya nung kanilang mga safety officers,” dagdag na abiso ni Magalong. RNT