Baguio naka-red alert sa hagupit ni bagyong Henry

Baguio naka-red alert sa hagupit ni bagyong Henry

September 3, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Henry, isinailalim lahat ng Baguio City government agencies sa red alert status mula Biyernes hanggang Lunes, Setyembre 5.

Ayon sa ulat, ang Baguio City agencies na ito ang magsisilbing quick-response team sakaling kailanganin ang pre-emptive evacuations.

Nakahanda rin ang City Disaster Risk Reduction Management Council member agencies wna tumugon sa emergencies.

Binabantayan naman ng lokal na pamahalaan ang mga lugar na maaaring bahain p makarans ng landslide.

“Isa doon ang disaster resiliency so napaka-proactive dito sa siyudad ng Baguio. Lahat po ng mga concerned agencies mandated to be on their toes, palaging naka-standby,” ani Baguio City Information Officer IV, Gaby Keith.

Samantala, suspendido ang klase sa lahat ng lebel sa lungsod dahil sa bagyong Henry.

Sinabi naman ng city authorities na mananatiling bukas sa mga motorista ang Marcos Highway at Naguilian Road. RNT/SA