Bagunas binuhat sa panalo ang Oita Miyoshi sa Japan V-League

Bagunas binuhat sa panalo ang Oita Miyoshi sa Japan V-League

October 17, 2021 @ 5:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – NOONG nakaraang season, bumilang muna ng 21 mga laro bago nakamit ni Bryan Bagunas at team Oita Miyoshi ang kanilang unang panalo.
Binuksan ng Weisse Adler ang kanilang  2021-22 Japan V.League Division 1 men’s tournament campaign sa bisa ng 25-19, 25-20, 21-25, 28-26 na panalo laban sa  home team Sakai kahapon sa larong idinaos sa Nippon Steel Sakai Gymnasium.
Nanguna si Bagunas sa Oita Miyoshi sa bisa ng 22 points, 17 attacks, four blocks, at service ace. Malakas din sa hitting ang 6-foot-5 Pinoy import  at nakadale pa ng 17-of-29,para sa 58.6 percent.
Nagpakabog pa noong una ang  Blazers  para idikit sa deciding set, 26-25, pero umalagwa ang tatlong diretsong puntos ng Oita Miyoshi para makuha ang unang tagumpay.
Ang bagong import ng Weisse Adler na si Emerson Rodriguez ay may nagawang 19 points, habang si Kota Yamada ang namuno sa locals sa 16 points at 4 aces.
Nasayang ang 20 puntos ni Canadian Sharone Vernon-Evans para sa Blazers,16 hits, three block kills, at service ace.
Pakabog din ang laro ni Yuki Higuchi na may 12 points.Magpapanagpo uli ang dalawang team ngayong 12 p.m. sa Sakai venue.JC